Add parallel Print Page Options

19 Sinasaway ko at sinusupil ko ang aking mga minamahal. Kaya nga, magsumigasig ka at magsisi. 20 Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko.

21 Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang maupong kasama ko sa aking trono, katulad din ng aking pagtatagumpay. At ako ay umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang trono.

Read full chapter